Telenovela

Mapa-Pinoy man yan o Koreano, Chinese o Japanese, Mexican o American, kahit ano pang telenovela yan, bakit nga ba nanonood tayo ng mga telenovela?

1. Dahil nakaka-relate tayo sa kwento.

2. Dahil sa umaatikabong plot nung palabas, gabi-gabi inaabangan mo kung tama ang mga hinala mo.

3. Dahil gusto mong magkaron ng mga bagay na meron ang karakter sa palabas na wala ka tulad ng cellphone, malalaking bahay, magagarang kotse atbp.

4. Dahil crush mo yung isa sa mga artistang gumaganap.

5. Dahil naging extra ka dun sa palabas kaya inaabangan mo kung gano katagal ang exposure mo.

6. Dahil nakiki-simpatya ka sa kawawang bida.

7. Dahil nakakakilig ang tambalan ng mga bida.

8. Dahil wala kang magawa.

At marami pang iba…

—-

Kagabi ko pa gusto gumawa ng listahan ng mga posibleng dahilan kung bakit ako o tayo nanonood ng telenovela. Bata palang ako, mahilig na ako manood ng TV. Nakalakihan ko na ang Mara Clara, AnnaKarenNina, Mula sa Puso at kung anu-ano pa. Napupudpod na nga kadalasan ang mga numero sa remote namin dahil sa madalas na pagpindot ko nito. Mahilig din kase ako maglipat ng channel, gusto kong makita ang nangyayari sa palabas sa kabila pag commercial. Best of the both worlds kumbaga.

Ano man ang dahilan ng panonood natin ng mga palabas,wag sana nating kalimutang kumuha ng wisdom sa mga ito. Itong mga palabas na ito ay hindi lang basta pang-entertain sa atin, ito ay isang paraan din para makita natin ang realidad ng mundo na minsan ay di natin nakikita.

Advertisements

About Shayne Zalameda

Shayne Zalameda is Misstache. She adores eating, traveling, attending events, and watching films. She likes to omit adjectives and is fascinated with ironies. As much as possible, she tries to avoid the word "very". Sometimes she easily forget things. More on http://LeMisstache.com
This entry was posted in telenovela,tv,telenobela. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s