araw ng pag-ibig

May mga taong humahabol sa Valentine’s day ng masaya, ang iba, gumuguho ang mundo sa tuwing iisipin ito.

Si Lea, isang kaibigan ko, na isang NBSB (No Boyfriend Since Birth) ay kakapalit lang ng status sa Facebook from single to in a relationship. Masaya ako para sa kanya dahil nakatagpo na siya ng lalakeng mamahalin niya at magmamahal sa kanya. Ngunit ngayong nagmahal na siya, saang parte ng pagmamahal ba siya nakakasiguro? Sigurado ba siyang ang nobyo niya ngayon ay ang lalakeng 20 taon niyang hinintay? 

Si Ada, isang katrabaho ko, na simula nung unang araw ko sa opisina, ay may ka-relasyon na. Ngayon, tila gumuguho ang mundo niya dahil sa pagkakaroon ng konting di pagkakaintindihan nila ng kanyang nobyo. Sa likod ng mga matatamis niyang ngiti at nakakaengganyong mga tawa, ay ang malungkot na pusong naghihintay na hagkan ng kanyang iniibig. Malungkot ba niyang haharapin ang araw ng mga puso o haharapin niya ito ng buong ligaya dahil matapos ng kanilang alitan, ay muling napatunayan na walang bagay na makapaghihiwalay sa kanila, kung kaya’t siya ay magiging buong galak na haharap sa mundo muli?

Hindi ko alam ang mga kasagutan. Ang tanging alam ko lang ay isang natural na bagay sa mga tao ang umibig. At sa pagpasok nila sa mundong ito, alam nilang hindi lang langit ang pinasok nila dahil may kasama rin itong mga hirap at pasakit. Kung kaya, manalo ka man o matalo sa laban ng pag-ibig, panalo ka naman sa karanasan.

Kung ganon, paano naman ang mga taong hanggang ngayon ay naghihintay parin sa taong nakatakda para sa kanila? Yung mga taong kay tagal nang nag-iintay, halos maubos na ang pasensya kahihintay, na parang lupang sabik na sabik nang maulanan dahil yun lang ang tanging paraan upang magkaroon siya ng bagong pananaw sa mundo. Paano na sila?

Si Paul, isang hopeless romantic, lagi niyang binabanggit na 21 taon na siyang naghihintay ng taong magmamahal sa kanya. “I have so much love to give and I want to give it now, but no one’s stepping forward to receive it” ang drama niya. Sa sobrang pagkagusto niya ng taong magmamahal sa kanya, hindi niya siguro napapansin na maraming nagmamahal sa kanya –hindi nga lang tulad ng pagmamahal na inaasahan niya.

Pero gayunpaman, kahit ano pa ang estado niyo pagdating sa pag-ibig, laging isipin na ang pag-ibig ay maaaring maramdaman at ipadama sa iba’t-ibang aspeto ng buhay. Maaaring hindi mo ito makuha ngayon sa isang taong pinakamamahal mo, ngunit pwede mo naman itong makuha at ibigay sa mga taong nandiyan lang sa tabi mo at siguradong tunay na nagmamahal sa iyo.

Kaya huwag malungkot dahil ang mundo ay puno ng pag-ibig. Pinipili lang nating magpakabulag dahil natatabunan tayo ng pantasya paukol sa pagdating ng nakatakdang tao para sa atin. Sa huli, ang tanging magagawa natin ay ang maghintay ng tamang panahon dahil pag nangyari iyon, siguardong buong ligaya ang madarama ng mga puso nating noong una’y nangungulila. 

Advertisements

About Shayne Zalameda

Shayne Zalameda is Misstache. She adores eating, traveling, attending events, and watching films. She likes to omit adjectives and is fascinated with ironies. As much as possible, she tries to avoid the word "very". Sometimes she easily forget things. More on http://LeMisstache.com
This entry was posted in pag-ibig. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s